Nang nag-krus ng landas ang K-pop Fanfiction at Fact-checking
Tingin mo ba nakakagpagpabago talaga ng isipan ang ginagawa mo?
Bilang isang fact-checker, madalas kong naririnig ang tanong na ito. Maaring nag-uugat ito sa duda o kaya ay sa kawalan ng tiwala, o puwede rin namang dahil sa parehong kadahilanan, pero anu’t anuman ang pinanggalingan nito, ito ay isang lehitimong katanungan. Binubuhos namin ang aming kaalaman sa abot ng aming makakaya para sumuri at mag-debunk ng misleading na social media posts ukol sa pagbabakuna, COVID-19, mga proyekto ukol sa kalawakan at climate change, pero gayunpaman, meron at meron pa ring anti-vaxxers, mga hindi naniniwala sa kahalagan o benepisyo ng pagsuot ng masks, flat earthers at mga nagdududa kung totoo ba ang pagbabago ng klima. Bilang halimbawa, tingnan mo na lang ang ilan sa aking mga kamag-anak.
Pero siguro, bilang isang fact-checker, hindi lang ito ang tama o pawang katanungan na dapat ay sinasagot natin.
Siguro, sa halip na pagtuunan lang natin ng pansin kung ang ginagawa ba natin ay nakakapagpabago ng isipan, dapat din nating tanungin kung ito ba ay nakakapagpabago ng damdamin o ng nararamdaman.
Bakit kamo?
Ito ay dahil ang tao ay maniniwala sa gusto niyang paniwalaan, regardless kung ito man ay totoo o hindi, hindi dahil siya ay “bobo” o “tanga.” Masyadong malabnaw ang ganitong pananaw.
Maraming pag-aaral na ang nagpaliwanag kung paanong ang tinatawag na tribal thinking at ang ating cognitive biases ay nagdudulot o tumutulak sa mga tao na mabuyo ng misinformation o “fake news.” Ang cognitive biases ay mga nakagawian nating mga paraan ng pag-iisip na maaring makaapekto sa ating objectivity at mag-resulta sa mga pagkakamali sa ating pangangatwiran.
Ito ang ilan sa mga pangunahing dahilan kung bakit ang mga tao ay mas lalong nagiging defensive kapag nilalatagan ng ebidensya na taliwas sa kanilang mga paniniwala. Ang isang halimbawa ng cognitive bias ay cognitive dissonance. Ayon kay Leon Festinger, ang social psychologist na bumuo ng ganitong teorya, ang mga tao ay nakakaranas ng pagkaasiwa kapag may tensyon o hindi pagkakapareho sa kanilang mga pinaniwalaan. Ayaw natin ng ganitong pagbubungguan sa ating mga ideya. Mas gusto natin na payapa at may pagsang-ayon lang sa lahat. Kaya kahit tayo ay napatunayan na mali, gagawin pa rin natin ang lahat para ipagtanggol o depensahan ang ating mga paniniwala.
Na-o-offend din tayo kapag may kumukuwestiyon sa ating worldview, dahil ito ay sadyang konektado sa ating identity o pagkatao at pagkakakilanlan. Kung sinoo ano man tayo ay hinulma ng mga komunidad kung saan tayo ay kabilang at ng uri rin ng kapaligiran na ating kinalakhan. Kaya may tendency tayo na maniwala rin sa kung ano ang pinaniwalaan at pahalagahan kung ano rin ang pinapahalagahan ng ating grupo o komunidad. Ang ganitong klaseng pag-iisip ay mas umigting ngayon sa isang mundong malalim ang dibisyon at polarisasyon.
Hindi nagkataon lamang na ang mga misleading na impormasyon na nakikita natin sa social media ay dinisenyo para maging clickbait, o na ang mga videos at photos ay ini-edit o ina-alter upang ito’y mag-trigger ng galit, pangamba o pagkatakot. Sinadya silang gawin sa ganitong paraan para magdulot ng matitinding reaksyon at emosyon.
Maliban rin rito, isang bagay na dapat rin nating ikonsidera ay ang kung paano nai